Sa halamanan, kung saan ako'y naglibang at
nag-isip ng pagkakaabalahan,
Sa halamanan kung saan ko naisip gumawa ng
potograpiyang akin,
Sa halamanan kung saan naglaro
ang mapaglaro kong isipan
Sa halamanan kung saan naipahayag
ang pansariling pananaw
Sa halamanan na ginamitan ng imahinasyon
at puso
Sa halamanan na tanging magkausap
ay sarili at ang isip
Sa halamanan kung saan nalinawan ukol
sa potograpiya
Sa halamanan kung saan namangha
sa gawa ng may kapal
Sa halamanan kung saan naitanong
ang uri ng halamang nakikita
Sa halamanan kung saan namangha sa
galing ng hardinero
Sa halamanan kung saan samu't sari
ang magagandang konsepto
Sa halamanan kung saan naalalang gamitin
ang natatanging kasangkapan,
Sa halamanan kung saan naisip na
karamihan ng may DSLR ay gusto lamang makiuso
Sa halamanan kung saan aking sinaluduhan,
mga taong minamahal ang larangan ng potograpiya
Hindi lamang upang makapagyabang,
kundi maipakita ang angking galing at natatanging talento,
at higit sa lahat,
Sa halamanan kung saan napagtanto,
kahit digicam, maaaring magawa nito....
Tis,
from the Yee,
to the HAW!!!!!














13 comments:
Tama po kayo kuya. Sa pagkakaroon ng umuusbong na teknolohiya, kasama na rin dumarami ang mga mapagpanggap at mga nakikiuso lamang.
Kahit digicam o phone cam pa ang gamit ng isang taong may talento at mata para sa potograpiya, maganda pa rin ang kalalabasan.
Nice Photos... more !!!
napaka swerteng halamanan! beauty is in the eye of the beholder naman e.. ganda to!
Sa halaman... next time, sa Gulayan ^^
nice Set!. May tip ako, i'm sure kahit point & shoot lang cam mo, may macro mode yan. Try mo rin explore yon bro.
anyways, saang garden to? gusto ko rin mag photoshoot dito, it seems relaxing!
@Sumi Go...ay naq super dame nila as in, halata naman sa kanila na point and shoot lang din naman ang ginagwa nila, hehe
@Mar Unplog...meron pa yan, wait lang you :))
@Gemma..thank you! :))
@Ollie...sa prutasan muna hahaha, yes may macro yung digicam ko, parang mini-dlsr na nga xa eh, hehe..thanks for the tip! :))
@Ollie...it's in Quezon Memorial Circle, the place is called "Hardin ng mga Bulaklak" malapit lang sa entrance and sa Monument :))
As they were shot yung mga photos? O may photoshop tweaking? Nevertheless, maganda lahat. Lalo yung pangalawang larawan. :)
wow pomophotagraphy ka na ngayon ah galing. =D next dapat yung singing skills mo naman ang ipakita mo. =D hehehe
Ang potograpiyang ginamitan ang isip at dunong nga paghahabi ng mga salita na may lalim at linaw ay tunay ngang kahanga hanga
Mapalad ka sa talentong ipinagkaloob sayo. :))
Laudetur Jesus, Mariae et Joseph!
Nice Photos Frater =) keep it up!
By the way, dont forget to include in your blog ang Totus Bookstore. remember, we want to promote it =)
In Cristo Jesu et Maria Immaculata,
Frater Jayz
@ka bute...may photoshop chova din hehe
@superjaid...hwelll that's life haha
@Juicy Jay...honglalim sir! hehe peor salamat po! :))
@Frater Jayz...I might as well go back there to do my shots, but no buying muna hehe :))
ayun!! nature photography na siya... ayos!!
ilike the why u play ur macro shoot and the AF app.
more shoot pa!!
@Axl... ay kahit anu ako hehe
Post a Comment