Tuesday, December 27, 2011
Ikaw na lubos kong Hinahangaan
Muli na namang sasapit ang araw ng iyong kamatayan,
damang dama ko simula nung inaral ko ang iyong buhay ang paghihirap mo nuong nabubuhay ka pa,
at kung gaano mo pinadama sa bawat pinoy and nais mong iparating gamit lamang ang iyong panulat at papel,
kakaiba ang talinong pinagkaloob sa iyo,
hindi hamak na magaling ka, at nararapat lang na tingalain dahil sa angking talino at talento mo,
at ang maganda pa rito'y hindi mo gnamit sa masama yang natanggap mo, hindi lang para sa sarili mo,
kung hindi para sa ibang tao,
magiting at hindi bumibitaw sa sailta ang nais kong tularan sa iyo,
anu man ang binitawan mong salita, tinutupad mo, kahit mahirap,
yan ang gusto kong tularan, at isa sa mga aral na natutunan ko, simula nung nahilig ako sa mga likhain mo,
kahit ba buhay mo ang naging kapalit,
pinanindigan mo ang mga salitang binitawan mo
at dahil sa pagkamatay mo ito na ang naging hudyok para ipaglaban ng ating mga kababayan ang ating kalayaan,
na nagbigay inspirasyon sa lahat at lakas ng loob,
sa panahon ngayon, bilang na lang ang mga taong nire2speto ka bilang bayani, at talagang humahanga sa iyo,
isa na ako dun,
marame ang nang babastos sa pangalan mo, ngunit alam nilang wala silang laban sa yo,
sa aking talino't talento pa alng, ikaw na ang panalo,
ginawa ko ang liham na ito dahil nais kong magbigay pugay sa iyong mga ginawa,
ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ko sa larangan ng pagsusulat at pagbabasa
hindi ko man maabot ang galing mo,
pero sa aking puso,
lubos akong gumagalang dahel sa mga ginawa mo alang alang sa inang bayan,
wala ka na ngayon sa panahong ito,
pero marahil, may panibagong Jose Rizal na nabubuhay ngayon,
ang bagong Jose Rizal na magbibigay linaw muli sa isip ng mga Filipino,
at magdudulot ng kaayusan sa ating bansa,
kahit labu labu na ang pamamalakad ngayon,
alam kong naniniwala ka paring matutuwid ang lahat,
Lubos na gumagalang at humahanga,
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

3 comments:
ayos nag-update!!! :D
totoo yan, madaming nakakakalimot, mawalang galang ako nga ang nasa isip ko ay double pay sa 30 eh, hindi ko naisip si Rizal,hahaha nakalimutan ko na kung anong nagyari ke rizal nun..sorry po and im honest dahil mas nakatututok ako sa buhay ko kung pano ko siya aayusin..hehe
@Bino...ganun talaga muli na akong nabubuhay, hehe
@-mark-...mas pinopoint out ko naman dyan is yung pagwalang galang nila kay Rizal, prang binabastos na kase yung pangalan :)
Post a Comment